Author: hapiko
Salamin Part 9
Katapusan
Kusang sumuko sa mga pulis si Daniel. Inamin niya ang pagpatay kay Ryn. Doon man lang ay mabawasan ang kanyang mga kasalanan. Ikinulong siya at sinampahan ng kaso sa salang “murder”. Ayon sa mga pulis pinlano raw ni Daniel ang pagpatay sa kanyang kabit. Hindi na kumontra ang lalaki. Bagkus, siya ay nag-plead ng “guilty” at hindi na umapila pa. Hindi nasangkot si Lisa kahit nawala itong parang bula at ang ina naman ni Ryn ay walang pakialam sa nangyari sa anak. Nguni’t bago nangyari ang krimen ay nakapag-file si Lisa ng annulment na hindi na kinontra ni Daniel. Hindi nga lang siya sigurado kung sino ang nag-aasikaso noon. Gumulong ang hustisya at pagkaraan ng tatlong taon ay nahatulan si Daniel ng “Reclusin perpetua” o habang buhay na pagkabilanggo. Inilipat ang lalaki sa ‘National Bilibid Prison’ upang doon gugulin ang kanyang sintensya.
Isang araw ay pinatawag ng ‘warden’ si Daniel. Sa loob ng pitong taon na pamamalagi roon ay naging maayos ang kanyang record. Ni minsan ay hindi siya nasangkot sa ano mang gulo. Nabigla pa siya nang ibalita nito na may bisitang naghihintay sa kanya. Sinamahan siya ng mga gwardiyang pulis sa ‘visiting area’. Laking gulat niya nang makita kung sino ito.
Lumapit si Daniel sa mesa kung saan naghihintay roon ang kauna-unahan niyang panauhin mula nang makulong. Nagtama ang kanilang mga paningin. Napakaganda pa rin ng kanyang dating asawa. Wala itong pinagbago samantalang siya’y nag-uumpisa nang lumabas ang mga puting buhok at gatla sa noo. Sampung taon na rin naman ang nagdaan at sa hirap ng buhay sa bilibid ay siguradong doble kang tatanda.
“Kumusta ka na, Daniel?” Ito ang unang namutawi sa bibig ni Lisa.
Napa-upo si Daniel. Titig na titig pa rin sa magandang mukha ni Lisa. Hindi makapaniwalang dadalawin ng babaeng labis niyang sinaktan. Biglang nangilid ang kanyang mga luha at di napigilang mapaiyak.
“Lisa…..salamat sa Panginoon at buhay ka.”
Ngumiti ang dating asawa. Hinawakan ang kamay ni Daniel.
“Patawad, Lisa sa mga nagawa ko. Pinagsisisihan ko na ang lahat. Kung kaya ko lamang maibalik ang nakaraan ay hinding hindi ko na gagawin ang pagtaksilan ka. I’m sorry.”
“Tapos na ‘yun, Daniel. Naka-move on na ako.”
“Nakita ko noong nilamon ka ng salamin at isinama ng mahiwagang lalaki, Lisa. Ano ang nangyari? Ang buong akala ko’y buhay mo ang naging kapalit sa mga kasalanan namin ni Ryn.”
“Tama ka, Daniel. Buhay ko ang naging kapalit nung hindi kayo pinatay ni Espejo. Nguni’t imbes na kamatayan ang aking kaparusahan, ako’y mabubuhay ng walang hanggan. Tatanda na kayong lahat pero mananatili ako sa ganitong edad. Makikita ko ang pagdating at pagkawala ng mga tao sa aking paligid. Makikita ko ang lungkot, saya, pati kamatayan. Ito ang bago kong buhay…. ito ang aking sumpa kung matatawag man itong sumpa.”
“I’m sorry, Lisa… I’m sorry…. Kasalanan ko itong lahat. Kami ni Ryn ang dapat tumanggap ng kaparusahan pero ikaw ang nagdurusa ngayon. Sorry, kung hindi ko pinahalagahan ang pagmamahal mo. Na mas inuna ko ang kalibugan kaysa ayusin ang ating pagsasama. Pati kayong magpinsan ay sinira ko. At sa labis na panibugho nung nakita ko ang lalaking ‘yun na nakikipagtalik sa babaeng akala ko’y ikaw, di ko napigilan silang patayin. Huli na nang nakita kong si Ryn pala ‘yun at tulad ng ginawa ko sa iyo, ako rin ay kanyang pinagtaksilan. Kung pwedeng ako na lang ang tumaggap ng iyong sumpa ay ginawa ko na. You don’t deserved this.”
“Daniel, hindi ko ito ikinukwento sa ‘yo para sumbatan ka o para ma-guilty ka. Hindi ko intensyon ‘yun. Minahal kita noon at wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko. Totoo, nagalit ako sa inyo… Gusto ko rin gumanti…. Gusto ko kayong maghirap…. patayin… Pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa ‘yo. Pag mahal mo pala ang tao wala kang hinihintay na kapalit kahit nasasaktan ka na… Kahit natatapakan na ang pagkatao mo… Nagiging tanga ka….. Nagiging manhid ka. Subali’t ang lahat ay may katapusan. Maaaring mamatay rin ang pagmamahal kung hindi inaalagaan….kung ang isa rito ay nagbago na ng damdamin….kung sumuko na at di ka na kayang ipaglaban…kung napagod na. At marahil ganun ang nangyari sa atin…..hanggang doon na lang talaga.”
Tuluyan nang napahagulgol si Daniel. Bakit nga ba nasa huli ang pagsisisi? Bakit kung kailan huli na ay saka niya napagtanto na mahal na mahal n’ya pala ang asawa? At kahit anong gawin niya’y hindi na mababalik ang lahat….di na mapapalitan ang sakit na idinulot niya sa puso ni Lisa. Pinakawalan niya ang isang babaeng ginawa ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Pinakawalan niya ang isang kayamanan na mahirap nang hanapin pa. Hindi si Lisa ang tanga kundi siya!
“Paalam, Daniel. Ito na ang una at huli kong pagpunta rito. Kahit magkaiba na ang ating mundo, nais kong malaman mo, pinatawad na kita. Huwag mo na akong alalahanin. Nasa maayos akong kalagayan. Sana matutunan mo ring patawarin ang iyong sarili. Mabuti kang tao, Daniel. Naniniwala akong makakabangon ka muli. Salamat.”
Tumayo si Lisa at iniwan na si Daniel. Kailangan niya nang bumalik kay Espejo. Ngayong annulled na ang kanilang kasal ni Daniel ay maari na siyang magsimula muli. Sa sampung taon na lumipas ay naghilom na rin ang sugat. Panahon na upang asikasuhin ang kakaibang misyong iniatang ni Espejo sa kanya na maaring magpabago naman sa buhay ng iba.
Pagkadating sa bahay ay agad tinungo ni Lisa ang kanyang kwarto. Naligo muna pagkatapos ay humarap na sa kanyang mahiwagang salamin nang nakahubad. Hinawakan niya ang naka-ukit na disenyo ng salamin.
“Espejo, narito na ako. Maari ka nang lumabas sa iyong mundo.”
Sa isang iglap ay nasa harap na niya ang makisig na binata. Naka hubad din ito at kitang kita ang nagsusumigaw nitong pagkalalaki. Kahit sinong babae’y mahuhumaling sa kagwapuhang taglay ni Espejo. Iba talaga ang karisma nito. Nguni’t naisip ni Lisa na ibang nilalang nga pala ang lalaki pero katulad niya, ito ay tapat magmahal. Hindi marunong magtaksil.
“Kung lahat na lang sana ng tao’y katulad ni Espejo, magiging maayos siguro ang pagsasama ng mag-asawa. Wala nang masisira nang dahil sa pakikiapid.”
Napangiti si Lisa nang matapos ang pagmumuni-muni. Kahit hubo’t hubad silang dalawa’y hindi na nakakaramdam ng malisya. Animo’y natural na lamang sa kanila ang ganito. Siguro’y palagay na kasi ang loob ni Lisa kay Espejo. Sa tagal nilang magkasama’y hindi ito naging bastos sa kanya. Hindi nito sinaling ang kahit na dulo ng kanyang daliri.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumama si Lisa kay Espejo ay hinawakan nito ang kanyang baba at inangat upang matitigan ng husto ang kanyang mga mata. Ngumiti ito at siya’y niyakap.
“Hindi mo na nga siya mahal. Nakalaya ka na sa kanya…. Nabasa ko sa iyong mga mata.”
Yumakap na rin si Lisa rito. Natawa siya sa sinabi nito. Napaka swerte niya at naging parte ng buhay niya ang isang tulad ni Espejo. Walang namamagitang sekswal sa kanilang dalawa. Naging matalik pa nga silang magkaibigan at patuloy siyang sinusuportahan. Dangan lamang ay hindi maaring mabali ang kaparusahang kanyang inako. Nguni’t wala naman siyang reklamo. Masaya siya na matagal silang magiging magkasama ni Espejo. Lumayo ng konti ang binata upang makita muli ang mukha ng dalaga.
“S’yanga pala, Lisa, may dumating na kama sa shop. Isang kama na nababalutan nang hinagpis at paghihirap. Alam mo na siguro kung ano ang gagawin doon.”
“Oo, Espejo. Naitawag na sa akin ni Ella. Bukas ay titingnan ko. Kailangan ba talagang ‘yun ang maging kapalaran nang bibili ng kamang ‘yun?”
“Lisa, alam mong ang bawat antigo o ‘segunda manong’ mga bagay na iyong ibinibenta ay may kaakibat na kwento at lihim. Maaring ang lihim na ‘yun ay masaya, mapait, o may kasamang karahasan na tao ang may gawa. Mga lihim na pilit itinatago. Ang mga gamit na napupunta sa iyo’y nananatiling gamit subali’t ito’y nagiging piping saksi sa mga pinaggagagawa ng mga tulad mong mortal.”
“Espejo, matagal ko na gustong itanong ito sa ‘yo. Hiniling ba ng aking Ina na patayin mo ang aking Ama noong nahuli rin niya itong nakikipagtalik sa aking ninang o binigyan mo siya ng pagkakataon makapili sa nais niyang mangyari?”
“Lisa, nasabi ko na sa ‘yo na ang lahat ng mga taksil sa asawa na makikipagtalik sa harap ng salamin na ‘yan ay mamamatay. Nguni’t binigyan ko pa rin ng pagkakataon ang iyong Ina at mga ninuno na makapili sa nais nilang maging kapalaran ng kanilang mga asawa at alam mo na siguro ang kanilang naging kasagutan. Ang tao ay binigyan ng “free will” o kakayahang makapagdesisyon at makapili ng kanilang gusto. Nguni’t sa bawat desisyon na iyon ay may kaakibat na konsikwensya. Pwedeng maging pabor o hindi sa taong magdedesisyon. Pero dapat handa sila sa mangyayari dahil sa pinili nila. Ang karma ay dumarating sa hindi mo inaasahang pagkakataon tulad ng kamatayan. Ganito ang nangyari sa inyo nina Daniel at Ryn. Kayo ang pumili kung ano ang gusto ninyo at wala namang pumilit.”
Sandaling natahimik ang babae. Sino nga ba naman siya para husgahan ang mga naging desisyon ng kanyang Ina at mga ninuno? Dinanas niya ang sinapit nila. Alam niya ang pakiramdam ng pinagtaksilan. Nagkaiba man sila ng piniling landas, alam niya sa puso niya na mabuting tao ang kanyang nanay.
“Tingin mo ba, Lisa, hindi makatarungan ang nangyari sa kanila? Na mamatay at nawala sila sa iyong mundo sa ganoong paraan?”
“Hindi ko alam, Espejo. Wala ako sa posisyon para kwestyonin ang mga bagay na ‘yun. Naging mabuting magulang ang aking Ina. Ibinigay niya lahat sa akin. Pinunan niya ang naging pagkukulang ng aking Ama. Kung pumayag siya sa paraan ng pagkawala ng aking Tatay, sino ako para husgahan s’ya?”
Ngiti lamang ang naging sagot ng lalake. Ramdam niyang marami pang tanong si Lisa sa hiwagang bumabalot sa salamin nguni’t hindi niya maaring sabihin iyon sa dalaga. Isa itong sikreto na siya lamang ang nakakaalam.
“Tinatanong nga pala ako ni Ella kung bakit parang hindi raw ako tumatanda samantalang siya’y nag-uumpisa nang mag-iba ang hitsura?” Ang biglang pag-iiba ni Lisa sa usapan. Naramdaman din siguro nito na di komportable si Espejo kapag ang usapan ay tungkol sa salamin.
“Ano ang iyong isinagot?”
“Wala. Sabi ko’y sadyang mukhang bata lang ako… Bakit, maari ko bang sabihin sa kanya ang sikretong ito?”
“Ikaw ang magpasya sa bagay na ‘yan. Hindi ba’t sinabi mo rin kay Daniel kung bakit buhay ka pa imbes na nakulong ka na sa salamin? Sa tingin ko’y kailangan mo ng taong makakatulong sa ‘yo upang maging maayos ang iyong misyon. Alam kong maiintindihan ka ng iyong kaibigan base sa mga kwento mo tungkol sa kanya.”
“Iba naman ang sitwasyon ni Daniel. Nasaksihan niya ang hiwaga na bumabalot sa ‘yo. Hindi ka ba natatakot na malaman ng iba ang lihim ng salamin na ‘yan? Na malaman nila ang tungkol sa iyong pagkatao?”
“Bakit ako matatakot? Walang sino man ang makakasira sa salamin. Ang tao pa nga ang dapat matakot dahil kapag humarap sila d’yan ay makikita nila ang repleksyon ng kanilang mga sarili…. ang totoo nilang sarili. At ‘yun ang hindi nila nanaising mangyari….. Marami sa inyo ay nabubuhay sa kasinungalingan. Dahil takot na hindi sila matanggap…. takot na ayawan ng kapwa… natatakot mahusgahan.”
Tumalikod na si Espejo at lumapit sa salamin. Tangkang papasok na dito subali’t pinigilan siya ni Lisa.
“Espejo, sa akin ka na lang ba talaga habang buhay? Ibig kong sabihin, wala ng susunod na mag mamay-ari ng salamin mo bukod sa akin?”
“Lisa, ikaw ang tumapos ng sumpa na nakapaloob sa salamin. Noong hiniling mong huwag patayin si Daniel at Ryn, doon na rin natapos ang paglipat-lipat ng salamin sa ibang tao. Nakapaloob sa salamin na ‘yan na kapag naka tagpo ito ng taong tapat at kayang ipagpapalit ang sarili sa minamahal ay matatapos na rin ang pag-angkin nito sa mga taksil na kaluluwa. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, mananatili tayong magkasama habang buhay.”
Yumakap muli si Lisa sa lalaki. Nagkadikit ang mga hubad na katawan. Naramdaman ng babae ang init na gumapang sa kanyang kaibuturan. Hindi niya napigilang halikan ang binata sa pisngi. Hindi man nagulat ay kumislap naman ang mga mata ni Espejo sa ginawang iyon ni Lisa.
“Maari ba akong makipagtalik sa mahiwagang lalakeng nasa salamin? Maari rin ba niya akong mahalin tulad ng isang ordinaryong tao? Hindi ako namimilit ha. Nagtatanong lang.” Ang tudyo ng dalaga.
Tinitigan ni Espejo ang magandang mukha ng babae. Mula nang ipinanganak ito ng kanyang ina ay nasubaybayan na niya ang buhay ng dalaga. Nakita niya ang saya at lungkot na naranasan nito at inaamin niya, mula pagkabata’y minahal n’ya na ang magandang binibini. Si Lisa ang naging dahilan kung bakit natuto siyang magpatawad at kalimutan ang poot sa babaeng una niyang minahal… Si Lisa ang nagpalaya sa nakagapos niyang puso.
“Hindi maaaring makipagtalik ang lalake sa sinasabi mong babae kung wala itong pagmamahal sa kanya at mangangakong siya lamang ang iibigin.” Ang sagot ni Espejo.
“Paano kung natutunan na palang mahalin ng babae ‘yung lalakeng nasa salamin at handa na siyang ibigay ang sarili dito? Maaari rin bang suklian niya ito ng pagmamahal kahit isang ordinaryo lamang na tao ang babae?”
“Oo. Wala namang imposible kapag pag-ibig na ang usapan. At kung totoong mahal na ng babae ang sinasabi mong lalake, sigurado akong hindi na niya ito pakakawalan pa.”
Si Lisa na mismo ang kumabig kay Espejo. Hinalikan niya ang noo, talukap ng mata, pisngi, tungki ng ilong, at ang labi ng lalaki. Kinagat niya ang ibabang bahagi ng bibig nito. Tila tinutodyo upang mapasok ang loob. Sumilay ang isang ngiti sa binata tanda na ibinibigay na ng dalaga ang sarili sa kanya. Tinugon niya ang mga halik na ‘yun. Naglaban ang mga dila at halos higupin ito ni Espejo. Napasinghap si Lisa sa idinulot na sarap ng kanilang paghahalikan. Sabay silang humihingal at saglit huminto upang kumuha ng hangin.
“Espejo, salamat sa lahat….. Salamat sa pagiging kaibigan…sa pang-unawa…sa pagkakataon na magmahal muli.” Ang sabi ng dalaga habang hinahabol ang paghinga.
“Lisa,ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa materyal na bagay,sa salapi,sa ganda,at kalibugan.Ang lahat ng ‘yun ay panandalian lamang. Maaring mawala. Ang totoong pagmamahal ay walang kapantay. Hindi naghihintay ng kapalit at hindi namimilit. ‘Yung hindi nagnanais na makasakit sa damdamin ng iba. ‘Yung pinipili ang tama at kayang isakripisyo ang sarili. Ang pagtatalik ay isang sekswal na bahagi na pagpapakita ng damdamin ng tao. Ito’y isang parte lamang na gusto mong iparamdam sa tao na mahal mo siya. Maaari ring ito’y puro kalibugan lamang ng katawan at hindi garantiya na magtatagal ang pagsasama o relasyon. Pagkatapos ng init, libog, kati ng katawan ay babalik ka pa rin sa totoong reyalidad na mas nanaisin mo pa ring makatuwang sa iyong buhay ang taong tunay mong minamahal. Ang tunay mong pag-ibig.”
“Matagal na kitang mahal, Lisa, higit pa sa inaakala mo. Masaya na akong nakikita kita sa labas ng salamin at nung mga panahong nasasaktan ka ay higit na sakit ang aking nadarama. Dahil dito’y hindi ko napigilan ang aking sarili na hawakan at damhin ang mainit mong katawan. Ang mainit na sandali na ‘yun ay ligayang walang kapantay sa akin.”
“Kung ganun ay ikaw ang nagpadama sa akin ng una kong orgasmo? Yung akala ko’y isang panaginip?”
“Oo… Ako nga… Alam kong kasalanan ‘yun nguni’t nang makita ko sa iyong mga mata ang kalungkutan dahil ni minsan ay hindi ka napaligaya ni Daniel sa sekswal na aspeto, ginusto kong ipadama iyun sa ‘yo. Gusto kong ibigay sa ‘yo lahat upang maging masaya ka, subali’t ang pag-ibig mo pa rin kay Daniel ang mas nanaig. Patawarin mo ako, Lisa.”
Nagulat si Espejo nang muli siyang yakapin ni Lisa. Ang buong akala niya’y kasusuklaman siya ng babae.
“Oh, Espejo… Salamat… Maraming salamat. Noon ko lamang naramdaman ang tunay na sarap sa pakikipagtalik na hindi naibigay ni Daniel. Isang ekspiryensang di ko malilimutan.”
Lumayo ng konti si Lisa upang makita muli ang mukha ng binata. Ngumiti ito ng ubod tamis at hinimas ang ari ng lalake.
“Espejo, maaari bang ulitin mo ‘yun sa akin? ‘Yung gising ako at di isang panaginip?”
Lumuwag ang pagkakangiti ng lalaki. Kitang kita rito ang pagnanasa sa babaeng minamahal. Nagpatuloy sa paghalik si Espejo. Ang mga labi’y tumuloy sa leeg ng babae. Inilabas ang kanyang dila na para bang tinitikman ang lasa ng isang pagkain. Umabot ito hanggang balikat ni Lisa. Ang bawat pagdampi ng labi at dila nito sa makinis na balat ng babae’y nagdudulot ng bolta-boltaheng elektrisidad sa kanilang hubad na katawan.
Ooooohhhh….” Ang di napagilang sambit ni Lisa. Nararamdaman niya ang nagsisimulang pagbasa ng kanyang pwerta.
Ang mga kamay ni Espejo ay nagsimula na ring maglakbay. Inumpisahan na nitong himasin ang malusog na kabundukan ng dalaga. Dahan dahan niya itong minamasahe at hinahawakan ang korona. Inikot-ikot ni Espejo ang kanyang hinlalaking daliri sa utong at maingat na kinurot na nagpatayog lalo dito.
Bumaba ang mga halik ni Espejo papunta sa malulusog na suso ni Lisa. Dinilaan niya ang mala rosas na korona habang ang isang kamay ay patuloy na lumalamas sa isa pang bundok. Hinimod at nilaro-laro ni Espejo ang mga utong hanggang isinubo na animo’y isang malaking pagkain na ayaw mamigay sa iba. Nagpapalitpalit sa pagsupsop ang binata sa mala-papayang kabundukang ubod ng tamis. Humawak ang babae sa leeg ng binata para hindi siya mabuwal. Nanginginig kasi ang buo niyang katawan sa ginagawang paggalugad ng lalake.
“Ooooohhhhh……ang sarappppp…. Please, huwag kang tumigil…. Aaaaaahhhh…”
Mabagal nguni’t may kasamang panggigigil ang ginawang pagdede ng binata. Parang isang batang matagal na pinagkaitan ng gatas ng ina. Walang kasawa-sawa sa paglamas, pagdila, pagsupsop at paminsan-minsang pagkagat sa napakagandang mga suso. Halos ayaw na nitong tigilan. Maya-maya ay pinangko na ni Espejo si Lisa upang ihiga sa kama. Inilatag doon ang Dyosang kanyang pinapangarap.
Nagtama ang kanilang mga mata. Hinaplos ni Lisa ang mukha ni Espejo. Mula nang makasama niya ang lalake ay nakaramdam siya ng katiwasayan. Hindi ito palaimik nguni’t bawat salitang namumutawi ay puno ng sinseridad. Hinalikan muli ni Espejo si Lisa sa mga labi. Mas maalab. Mas nakapag-iinit ng kalamnan. Habang sila’y naghahalikan, ikinikiskis ng lalaki ang kanyang sandata sa hiwa ng kalangitan.
Unti-unting bumaba ang mga halik ni Espejo. Dinilaan muli ang dalawang matayog na bundok pagkatapos ay pumunta sa bandang puson. Hinimod nito ang pusod ng babae habang ang kamay ay nag-umpisang maglaro sa perlas. Napaungol si Lisa. Libog na libog siya sa ginagawa ni Espejo. Kakaibang sensasyon ang ipinaparanas sa kanya ng lalaki. Kahit si Daniel ay hindi nakapagpadama sa kanya ng ganitong klaseng init ng katawan.
Naglulumikot ang kamay ng binata. Nagpapakasaya ang isang daliri sa kwebang kaytagal nang di napapasok ninuman. Dumako ang mga labi ni Espejo sa guhit ng kayamanan. Hinagod ng kanyang dila ang tinggi na nakapagpaigtad sa katawan ng dalaga. Sinipsip…. Hinigop na animo’y isang kuhol na kinukuha ang laman.
“Ooooohhhhh….ang sarappppp…..Aaaaahhh…” Ang walang humpay na halinghing ni Lisa. Hindi malaman kung saan ipapaling ang ulo sa sensasyong nararamdaman.
Di mapakali si Lisa. Di niya maintindihan ang sarili kung maiihi ba siya o ano.
“Ipasok mo na, Espejooooo… Ooooohhhhh”
Sa pagkakasabing iyon ni Lisa ay pumosisyon na si Espejo. Itinaas ang mga binti ng dalaga at ikiniskis ang kahabaan sa naglalawang hiyas. Di nagtagal ay dahan-dahang ipinasok ng lalaki ang kanina pang galit na galit nitong ari. Damang dama ni Espejo ang init at sikip sa loob ng pagkababae ni Lisa. Parang sinsakal ang kanyang kahabaan na lalong nagpa-init sa kanya.
Nag-umpisang kumadyot ang binata. Mabagal sa umpisa na tila ninanamnam ang bawat sandali ng pag-iisa nila ng dalaga. Napakasarap ng kweba na kay tagal na inasam-asam. At sa bawat labas-masok ng kanyang titi sa masikip na lagusan ay doble-dobleng sensasyon ang kanilang nararamdaman.
“Ooooohhhhh…. Sige pa, Espejoooo… Malapit na akoooooohhhhh ….”
Binilisan ni Espejo ang paggalaw. Gusto niyang mapasaya si Lisa. Gusto niyang maabot nito ang rurok. At gusto niyang maramdaman ng dalaga ang sarap na dulot nito. Mayamaya ay lalong sumikip ang pwerta ng babae. Tanda na nalalapit na ito sa hangganan. Mas lalong ginanahan si Espejo. Binayo nang binayo si Lisa. Hugot-baon ang ginawa. May pagmamadali. Maging ang lalake’y nakakaramdam na ng papalapit na pagsabog. Lalong tumigas ang tarugo at alam niyang di na rin niya kayang magpigil pa.
“Aaaaahhhhhh… Heto na kooooo…. Ooooohhhhh….”
At sabay nilang narating ang rurok ng walang hanggan. Nagyakap ang magsing-irog. Ang kaligayahan sa kaibuturan na inaasam-asam ay tuluyan nang natamo. Ang mga luha’y kusang tumulo sa mga mata na nagpapahiwatig na sa wakas natagpuan na nilang dalawa ang tunay at walang kapantay na pagmamahal. Pagmamahalang walang pag-iimbot at puno ng katapatan. Pagmamahalang busilak at wagas.
Wakas
***
10/29/18