Author: salapinghiram
“Ang babae ay hindi dapat ituring na libangan, bagkos ay katuwang sa hirap ng buhay.” ang paalala ng dalaga.
“Alam ko iyan, isa iyan sa mga Aral ng Katipunan na isinulat ni Emilio Jacinto!”, ang sabi ni Sgt. Henry Enriquez. “May respeto naman ako sa mga babae. Nagkataon lamang na naaakit ako sa kagandahan mo, tapos palagi pa kitang natitiyempuhan sa mga sitwasyong mahirap magpigil. Lalake ako at nahuhulog rin sa patibong ng bayalohikal na pangangailangan.” dagdag pa niya.
“Alam ko namang gentleman ka. Dalawang beses ka nang nagkontrol. Alam kong mahirap iyon. Pero hindi na muna mauulit iyon. May misyon akong dapat tapusin. Samahan mo ako sa misyon ko at pag natupad ko na, saka na natin pag-usapan ang pag-ibig.”, ang paliwanag ng dalaga.
“Anong misyon ba?”, ang tanong ng sarhento. “Ang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang ko. Iyan ang dahilan kung bakit ako nagpulis!”, seryosong sagot ni Capt. Lorena Alegre habang nangingilid ang mga luha.
“Sasamahan kita kahit mapanganib. Sasamahan kita kahit ang maging hangganan ay sa dulo ng baril!”
Sa Makati nagtatrabaho ang dalagang pinsan ni Capt. Lorena Alegre. Sa edad na 21 taong gulang ay nakapagtapos si Sumita Alegre ng Mass Communication sa UST at nakapagtarabaho sa isang call center company. Kumpara sa ordinaryong call center, kakaiba ito dahil nagtatrabaho siya para maging isang professional troll sa social media at sumasahod ng P35k kada buwan, depende sa bonus na matatanggap, batay sa quota na itinakda sa kanila. Dahil 7pm to 3am ang shipt niya, palaging madaling araw na siyang umuuwi.
Kung tutuusin, higit na maganda si Sumita Alegre kaysa sa pinsang buo niyang pulis. Sa tangkad na 5’7″ ay at balingkinitang katawan ay mistula itong beauty queen. Hindi ito nalilingid sa binatang supervisor ng kanilang kompanya na si Sebastian Roa. Nagkataong si Sebastian Roa ang may-ari ng call center company at anak ng makapangyarihang pulitiko sa Davao. Unang kita pa lamang niya sa maganadang si Sumita Alegere ay naakit na siya sa dalaga. At sumumpa babagsak ito sa kanyang mga kamay.
“Miss Alegre, ipinapasabi ni sir Basti na ihahatid ka na niya pauwi mamaya”, ang bungad ni Sarah, ang sekretarya ni Sebastian Roa.
“Naku, pakisabi kay sir na salamat na lang! Nakakahiya naman na maabala ko pa siya!”, ang seryosong sagot ng dalaga. Ang totoo ay napapansin na niyang masama ang tingin sa kanya ng kanilang boss. Kahit makisig si Basti ay hindi niya ito type, bukod pa sa alam niyang babaero ito.
“Basta, ihahatid ka ni sir. Walang tumatanggi sa kanya, or else…..”, seryoso ring sagot ni Sarah.
Eksaktong alas tres nang madaling araw, nagmamadaling papalabas si Sumita Alegre sa opisina nang makita niyang nag-aabang na nga sa labas ang boss nilang si Basti.
“Sumi, sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita Imus”, nakangiting sabi ni Basti habang nakatitig sa nakalitaw n cleavage ng dalaga.
“Okey na ako sir, susunduin ako ng service ko,”, ang magalang niyang tugon.
“Wala na ang service mo, pinauwi ko na. Sinabi ko na hindi ka pa uuwi!”, ang may awtoridad na sabi ni Basti. “Tayo na at ihahatid na kita!
Walang nagawa si Sumita kundi ang paunlakan ang imbitasyon ng kanyang boss.